Discipline: Education, Social Science, Cultural and Ethnic Studies
Nananatili pa ring problematiko ang pag-unawa sa mga aktuwal na proseso na magpapaliwanag sa pagtatao at pagbubuo ng lipunang baranganiko sa maraming isla sa arkipelago. Unang ipinaliwanag ito sa pamamagitan ng alun-along migrasyon (Beyer at De Vera I 947) subali't napatunayang wala iyong matibay na batayan at maaaring panukala lamang ng ilang tao (Scott I968). Sa harap ng mga makabagong ebidensiya bunga ng mga siyentipikong pag-aaral sa larangan ng arkeolohiya at linguwistika naitakda ang isang pangkalahatang larawan ng isang malayong nakaraan (prehistory). Tinatayang 7,000 BK (Bago si Kristo) nang simulang itatag ng ninuno ng kasalukuyang populasyon ang pundasyon ng kulturang Pilipino. Nakilala ang mga taong ito na nagsasalita ng lengguwaheng Austronesyano (Bellwood, I972, I977, I992:102-IIS). Maliban sa agrikultura (Shutler at Marek, I974) kilala ring mga magdaragat ang mga sinaunang Pilipino (Doran, I981, Solhiem, 1998). Sapagkat isang arkipelago ang Pilipinas, naniniwala ang may-akda na mahalagang salik ito sa pag-unawa sa suliranin ng pagtatao sa maraming pulo at pagbubuo ng unang lipunang Pilipino