Discipline: Education, Psychology, Instructional Language
Ang interes sa pag-aaral ng pagkakamit ng bokabularyo ng mga bata ay nag-ugat sa tadong grupo (Saporta 1961). Ang una ay kinabibilangan ng mga saykolojist na naniniwala na ang pag-aaral ng proseso kung paano natututong magsalita at makaunawa ng wika ang mga bata ang susi sa maraming saligan ng mga sulirarun ng kaasalan. Isa pang pinagkunan ang grupo ng mga guro, mga magulang, at iba pang may pagmamalasakit sa kapakanan ng mga bata na nangangailangan ng impormasyon upang matulungan silang magpasya kung ang pag-unlad ng wika ng isang bata ay sunod sa normal na takbo ng pagkatuto. Ang ikadong pinagkunan ay binubuo ng mga mananaliksik at lingguwista na gustong makaalam kung ang mga gradwal na pagbabago ng wika sa mga dumaang henerasyon sa anumang saklaw nito ay sanhi ng baryasyong naoobserbahan sa pananalita ng bata kung ihahambing sa pananalita ng mga nakatatanda sa kanila.