HomeMALAYvol. 17 no. 1 (2002)

Pagbaklas sa Mito ng Pagkababae: Isang Pagsusuring Post-Kolonyal Feminist sa Aklat na mga Taon ng Himagsikan

Armi Rosalia A. Zamora

Discipline: Social Science, Gender and Sexuality Studies

 

Abstract:

Hindi na kakaiba sa pandinig ang iba't ibang kaso ng pang-aapi at pang-aabuso, sapagkat sa anumang panig ng mundo laging may naghaharinguri at may pinaghaharian. Mahigpit ang tanikalang nag-uugnay sa kababaihan at sa mga bansang dating kolonya dahil kapwa biktima ng pang-aapi at pagsupil. Kapwa sila tinaguriang "Other": ang kababaihan bilang "other" ng kalalakihan, at ang mga post-kolonyal bilang "ontological other" ng Europa at Amerika (Priscelina Legasto 1993:6). Nakatuon ang isang feministang pagbasa sa pagtingin ng mga imahen ng kababaihang matatagpuan 0 nilikha mula sa iba't ibang anyo ng kultura-ang panitikan, halimbawa. Samantalang binibigyang-pansin naman ng dulog na post-kolonyal ang lahat ng kulturang apektado ng imperyalismo mula sa panahon ng kolonyalismo hanggang sa kasalulukuyang panahon upang isiwalat ang mga pamamaraan ng pagmamalupit at pagsupil ng mga imperyalista (Bill Ashcroft. 1995:2). Kung pagsasamahin ang dalawang dulog, makikitang konsern ang isang pagsusuring post-kolonyal feminist sa konsepto ng "double marginalization" - sa dobleng pang-aaping inabot ng kababaihang mula sa mga kolonista at maging sa isang patriarchal na lipunan. Samakatuwid, kung pagbabasehan ang ganitong pagpapakahulugan, walang pinakamasaklap sa ganitong sitwasyon kung hindi ang maging isang babae sa isang bansang dating kolonya - sa Pilipinas, halimbawa.