HomeMALAYvol. 17 no. 1-2 (2003)

Ang Pagpapantay ng Kapangyarihan

Cornelio R. Bascara

Discipline: Social Science

 

Abstract:

Ang pagpapalit ng papel ng mga dating kolonisador na ngayon ay bihag, at ng mga dating sakop na ngayon ay tagabilanggo, ay maliit na dimensyon lamang ng isang mas malawak na istorya-ang Rebolusyong Pilipino-Kastila. Sa likuran ng pagkakapantay ng kapangyarihan ng Kastila at Pilipino sa bisa ng pagsakop ng huli sa sentriko at eksklusibong daigdig ng una, may mga munting istorya na idinagison ng higit na malalaking naratibo sa pagtatapos ng dantaon 19. Ang isa sa "maliliit" na istoryang natakpan ay ang pagsusumikap at paggiit ng mga Kastila na mapalaya ang kanilang mga kababayan sa kamay ng mga insurektong Pilipino. Samantala, ang pagtanggi ng mga "rebelde" na palayain ang kanilang bihag ay isa pa rin sa "maliliit" na istorya. Ito ang mga pangunahing tatalakayin ng salaysay na ito. Ang mga subsidiyaryong tatalakayin pa ay ang karanasan ng mga bihag, ang pagtrato sa kanila ng mga manghihimagsik, at kung paano at kailan sila napalaya.