May isang tula si Amado V. Hernandez (I903-1970) na ilang beses sinulat ng bantog na ider-manggagawa at makata. Ito ang tulang "Bayani" na rila maituturing na nagpapahayag ng pinakabuod ng kanyang kaisipan hinggil sa manggagawa sa lipunang Pilipino. Ayon sa pananaliksik ni Dr. Rose Torres-Yu, ang unang bersyon ay nalathala sa Liwayway noong 9 Mayo 1924. Pagkaraan ay inilathala irong muli sa koteksyong Kayumanggi at iha pang Tufa (1940). Tatlumpu't pitong taon naman ang lumipas mula sa pinakaunang bersyon hanggang sa huling rebisyon na inilabas noong 1961 sa koleksyong Isang Dipang Langit. Pinakamahaba ang unang bersyon na may 16 na saknong na may tig-anim na taludtod. Ang dalawang sumunod na bersyon naman ay may 12 saknong lamang na tig-aanim din ang mga taludtod. Magtatanong marahil ang mambabasa kung ana ang dahilan ng paulit-ulit na pagtatangkang sulating muli ni Ka Amado ang tulang ito. Inilalarawan ba ng mga pagbabagong ginawa niya sa kanyang tula ang pag-unlad ng kanyang kaisipan bilang lider-manggagawa? Makikita ba rito ang pagbabago rin ng kaligirang panlipunan at antas ng kamulatan ng uring manggagawa mula 1924 hanggang 196I? May kinalaman ba rito ang kanyang pagkakakulong nang limang taon mula 1951 hanggang 1956 dahil sa kanyang pagiging lider ng Congress of Labor Organizations (CLO)? Maaari kayang gamitin ang iba't ibang bersyon na ito bilang mga