HomeMALAYvol. 19 no. 1 (2006)

Ang Pagsasalin sa Media: Isang Hakbang sa Pagsasabansa ng Kaalamang Lokal at Global

Teresita F. Fortunato

Discipline: Multidisciplinary

 

Abstract:

Mahalagang larangan ng wika ang media na lumilikha at naghahatid ng mensahe, at sa proseso ay nagkakaroon ng impact sa mga individwal, at sa lipunan sa kabuuan. Ang media na tinutukoy rito ay ang mass media na umaabot sa napakalaking tagatanggap o audiences, ang nanonood-nakikinig at/o sumusulat-nagbabasa. Kabilang dito ang press/limbag/print, radyo at televisyon, pelikula at sound recordings. May iba't ibang pagpapakahulu~n sa salitang mass media na maaaring pagtaasan ng kilay ng ilang eksperto sa larangan. Nagkataong isa lamang akademisyan ang kasalukuyang naglalahad na nag-aaral/ nagtuturo ng wika na may kontent na media. Kaya ililimita ang diskusyon sa simple at kolektibong pagpapakahulugan sa media na "lahat ng paraan sa pagpapalaganap ng kaalamang kultural sa pangmadlang audiences" (Ryan at Wentworth 1999:15).