Discipline: Social Science
Sumulat ang cura parroco ng Morong, Bataan, na si Padre Antonio de San Jose, isang Agustino Rekoleto sa alcalde mayor ng probinsya na si Ignacio Mazeda. Anang nababahalang pari sa kanyang sulat may petsa Hulyo 30, 1782, nangamamatay ang mga mamamayan ng Morong pati ng Bagac, visita ng nabanggit na bayan. Sanhi ng masidhing taggutom na nagsimulang manalasa noong dakong Enero, 1782 ang ibinigay na dahilan ng cura.