Discipline: Education, Philosophy, Cultural Studies
Ang pagsasaliksik sa pilosopiyang Pilipino ay maaaring ituring na pausbong pa lamang sa gitna ng kasaysayan ng umunlad ng mga pilosopiya sa mundo. Isa sa pamamaraan ng pagsasaliksik dito ay ang paggamit ng natatanging kultura ng ating bansa na siya namang sumasalamin ng hugis ng kaisipan o pag-iisip nating mga Pilipino.
Sa artikulong ito, layunin ng may-akda na gamitin ang isa sa mahalaga ngunit kadalasang nakakaligtaang sangkap ng kultura ng ating bansa – ang inumang Pinoy. Sa paggamit ng dalawang pamamaraan ng pananaliksik, ang pagsusuring metalinggwistiks at penomenolohiya ng kaasalan, ipinababatid ng lathalaing ito na ang inuman ay nararapat lamang na ituring bilang mahalagang elementong babalangkas at magpapalawig ng pilosopiyang Pilipino na maaaring ihalintulad sasymposium ng lumang Griyego.