HomeMALAYvol. 19 no. 3 (2007)

Globalisasyon, Kultura, at Kamalayang Pilipino

Napoleon M. Mabaquiao Jr.

Discipline: Education, Filipino, Art, Sociology, Cultural Studies

 

Abstract:

Ang isang hamon ng globalisasyong nagaganap sa larangan ng ekonomiya para sa iba't ibang lipunan o bayan ay kung paano mapapanatili at lalo pang maitataguyod ang kani-kanilang pambansang identidad sa harap ng mga pagbabagong dala at dulot ng nasabing globalisasyon, tulad halimbawa ng mga pagbabagong dulot ng mga makabagong teknolohiya, sa kani-kanilang mga kultura o pangkalahatang pamamaraan ng pamumuhay. Isinusulong sa papel na ito ang isang posibleng kasagutan sa hamong ito: ang pagtataguyod ng pambansang identidad ng kamalayan. Ang kasagutang ito ay bunga ng isang pilosopikal na pagsusuri sa mga pundamental na bagay na nagbibigay ng identidad sa kamalayan sa pangkalahatan at ng pagsisiyasat sa kung paano maitataguyod ang pambansang identidad ng kamalayan hango sa mga bagay. Ang mga pundamental na bagay na ito ay kinabibilangan ng mga sumusunod: ang mga bagay kung saan nakatuon ang kamalayan, ang mga pangangailangang pinupunan ng kamalayan, ang mga pamamaraan (mga kategorya at wika) na ginagamit ng kamalayan, at ang konteksto (lugar at panahon) sa kaganapan ng kamalayan. Samantala, ang nasabing pagsisiyasat ay isinasagawa sa papel na ito sa konteksto ng pagtataguyod ng kamalayang Pilipino o ng identidad ng ating kamalayan bilang mga Pilipino.