Discipline: Economics, Social Science
Parami nang parami ang mga Filipinang kabilang sa migrasyong global. Bagamat ang kanilang pag-alis ay nagbibigay-suporta sa kabuhayan ng Filipinas sa pangkalahatan, gayundin, sa kabuhayan ng kani-kanilang pamilya sa partikular, nakababahala ang mga epekto ng paglisan ng mga ginang-ina. Sa ngayon, ang tawag sa kanila ay mga transnasyonal na ginang-ina, sila na piniling magtrabaho sa ibang bansa para matugunan ang mga pangangailangang pinansiyal ng kanilang pamilya, gayunman, kasabay na pinagkakaitan ng pisikal na pakikipag-ugnayan sa kanilang mga mahal sa buhay. Ang sumulat ay nagsagawa ng isang pananaliksik kung paano naaapektuhan ng ganitong sitwasyon ang mga babaeng anak ng mga inang transnasyonal; napansin din niyang nagkakaroon na ng generational pattern ang feminisasyon ng diasporang Filipino.
_____
The participation of Filipino women in global migration continues to rise significantly. While their departure from the homeland will boost the Philippine economy in general and the living conditions of their respective families in particular, the impact of the increasing number of absentee wives-mothers is alarming. Now referred to as transnational wives-mothers, these women have opted to work abroad to meet the financial needs of the family but have deprived themselves of physical bonding with their loved ones. The writer has conducted a research on how daughters of transnational mothers cope with such a situation, noting an emerging generational pattern of the feminization of the Filipino diaspora.