HomeMALAYvol. 20 no. 2 (2008)

Ang Wili sa Wowowee at ang Diasporang Filipino

Louie Jon A. Sanchez

Discipline: Social Science

 

Abstract:

Layunin ng papel na ito na pag-aralan ang pantanghaling palabas na "Wowowee" mula sa pananaw ng mga manonood na nakapaloob sa panahon ng Diaspora. Gamit ang mga piling materyal mula sa Internet, tinangkang basahin ang daynamiks ng relasyon ng ilang piling tagahangang Filipino sa isang banda, at ng palabas sa kabilang banda, nang sa gayon ay mailantad ang mga tagong diskurso ng globalisasyon at dekolonisasyon. Sa tingin ng awtor, ang Wowowee ay nagsisilbi bilang tagapamagitan bilang 'rekoneksiyon' sa bayang iniwan ng mga Filipino sanhi ng Diaspora, isang tulay upang matupad ang layunin ng re-imahinasyon, na sa tawag ng awtor ay 'kolektibong patuloy at patuloy na hinaharaya.'

_____

This paper aims to study the noontime show Wowowee from the perspective of its audience in the era of Diaspora. Using selected materials available on the Internet, the paper attempts to read the dynamics of the relationship between selected Filipino fans, who are based overseas, and the program at large in order to uncover hidden discourses of globalization and decolonization. Wowowee serves as an agent of what the author describes as a 'reconnection' to the country left by Filipinos in Diaspora as well as a mediator in fulfilling a project of re-imagination, which the author dubs the 'continuously imagined collective.'