HomeMALAYvol. 22 no. 1 (2009)

Wika at Kultura: Pagsasaling Nagpapakahulugan

Simplicia P. Bisa

Discipline: Filipino, Languages, Cultural Studies

 

Abstract:

Sa paggamit sa mga salitang hiram sa mga pahayag na may kayarian o kaanyuang katutubo, kasama ang mga likas na katawagan, ang mga inangking salita ay nagkakaroon na rin ng katangiang Pilipino, nagkaroon ng kulay at karakter na Pilipino, at nagiging kasangkapan na sa pagpapahayag ng kulturang Pilipino. Ingles man ang salita, o Kastila kaya, sa sandaling gamitin iyon ng isang Pilipino, ang magiging pagpapakahulugan ay atas ng kulturang katutubo sa kanya.

Layunin ng papel na ito na maipakita ang kahalagahan ng pagkakaroon ng kaalaman sa wikang kasangkapan sa pagpapahayag at sa kulturang kinabubuhulan ng dalawang wikang isinasaalang-alang sa pagsasalin.

______

In using the borrowed words in the statements that have origins or native forms, the natural names as to how they are called are included, the new acquired words will also have Filipino qualities, it will have Filipino colors and characters, and they become instruments in pronouncing the Filipino culture. Regardless if it’s an English word or a Spanish one, the moment that a Filipino uses it, the concept will be interpreted depending on the injunction of the culture which is native to him.

The objective of this paper is to show the importance of having the knowledge of the language as the instrument in broadcasting and the consideration of the mixing of cultures of both languages in translation.