Discipline: Social Science, Linguistics, Psycholinguistics
Isang pansikolinggwistikang pagsusuri ang isinagawa sa salitang paninindigan. Ang paninindigan ay nilapiang salita na nag-ugat sa katagang tindig o tayo sa Tagalog. Sa Melayu ang tayo ay bangun, ang Tagalog nito’y bangon na kaugnay ng gising. Ang kasingkahulugan ng Tagalog na tindig sa ilang wikang etniko ay taddag (Ibanag) takder (Ilokano), talakad (Capampangan), tindog (Bicol, Waray, Hiligaynon, Cebuano), tindug (Tausug), tendeg (Maranaw), at barug (Cebuano). Ang baruganan ay Bisaya ng paninindigan. Katumbas ng tindig ang tuwid kaya magkaugnay ang paninindigan at katuwiran sapagkat ang ugat sa salitang Bisaya ng katarungan ay tarong na ang katumbas sa Tagalog ay tuwid, kaya magkaugnay ang katuwiran at katarungan. Gayundin naman ang katagang tarong o tuwid ay kapara ng tama at dapat (Diokno sa Aganon at David 1985) at katulad din ang mga ito ng totoo at tapat (Enriquez 1992) kaya magkakawing ang mga kahulugan ng katarungan, katuwiran, karapatan, katotohanan, at katapatan. Samakatuwid ang paninindigan ay patungkol sa kung ano ang tama, tuwid, tapat, totoo, at dapat. Ang paninindigan ay natutunghayan sa pakikipagkapwa-tao para sa katarungan, katuwiran, katotohanan, katapatan, at karapatan. Nahuhubog sa pagpapakatao ang paninindigan sa pagtahak sa tuwid na daan (Covar sa Antonio at Tiamson-Rubin 2003). Ang pagmamalasakit sa bayan ay may katunayan sa matuwid na pamamahala. Bilang halimbawa, may ilang imahe ng paninindigan at pagmamalasakit na mababakas sa mga larawan at likhang-lilok gaya ng bantayog ni Andres Bonifacio at lathalain ng mga anak ng bayan ng KKK.
_____
A psycholinguistic analysis was done on the word paninindigan (roughly translated as conviction and commitment). The root word of paninindigan is tindig or tayo in Tagalog which both mean to stand. In Malay, bangun means to stand, which in Tagalog is spelled as bangon which also means to rise, to get up. In selected ethnic languages, the Tagalog tindig or tayo is the same as taddag (Ibanag) takder (Ilokano), talakad (Capampangan), tindog (Bicol, Waray, Hiligaynon, Cebuano), tindug (Tausug), tendeg (Maranaw), and barug (Cebuano). Baruganan is the Visayan word for the Tagalog paninindigan. The words tindig and tuwid do mean the same such that reason (katuwiran) and justice (katarungan) are related because the root word of katarungan in Visayan is tarong which is tuwid (straight) in Tagalog. Similarly the words tarong and tuwid have parallel meaning with tama and dapat (correct and right) (Diokno in Aganon and David 1985) as well as with totoo and tapat (truth) (Enriquez 1992) thus related are the meanings of katarungan (justice), katuwiran (reason), karapatan (right), katotohanan (truth), and katapatan (integrity, sincerity, honesty). Therefore, paninindigan pertains to what is tama, tuwid, tapat, totoo, and dapat. Paninindigan is evident in pakikipagkapwa-tao (roughly, respecting another as equal, as fellow) and in the pursuit of katarungan, katuwiran, karapatan, katotohanan, and katapatan. Paninindigan is developed in ones being in pagpapakatao through the path of perfection (Covar in Antonio and Tiamson-Rubin, 2003). Care and concern for the country is shown in righteous governance. There are images of paninindigan and pagmamalasakit in pictures and pieces of art in people’s park such as in monuments e.g. Andres Bonifacio as well as in the writings from the KKK and Filipino scholars.