Ma. Florina Yamsuan Orillos-juan
Discipline: Social Science, History, Ecology
Dinadalumat ng papel na ito kung paano naging instrumental ang Inspección General de Montes sa pagpapalawak ng estadong kolonyal na Español patungo sa mga kagubatan at kabundukan ng Pilipinas noong huling hati ng dantaong 19. Bilang isang sangay ng gobyernong kolonyal, nakapaloob sa istruktura ng binanggit na institusyon ang isang pangkat ng mga opisyales na nagsasakatuparan ng iba’t ibang responsibilidad na tulad ng pag-uuri sa mga kabundukan ng Pilipinas, pagtataya sa kondisyon ng mga puno sa loob ng gubat nito, pagpoproseso ng lisensya para sa pagputol ng puno, pagbabantay at pagtatanod sa mga ilegal na mamumutol ng puno, at paglulunsad ng mga gawaing panlarangan upang higit pang pagaralan ang mga likas na yaman ng mga Pilipino.
_____
The paper tackles how the Inspección General de Montes was instrumental in expanding the realms of the Spanish colonial dominion in the Philippines, from the plains/lowlands to the forests and mountains during the latter part of the 19th century. As a branch of the Spanish colonial government composed of forest engineers, it was tasked to do the following, among others: classify trees of commercial and ecological values, process license to cut trees, guard against illegal loggers and undertake field work in order to further study the natural resources of the Philippines.