HomeMALAYvol. 23 no. 1 (2010)

Berinarew: Pagsasanib ng Aral at Aliw

Emmanuel B. Dumlao

Discipline: Literature, Social Science

 

Abstract:

Ang Berinarew ay isa lamang sa tatlong epiko ng tribong Teduray at tanging ang bersiyong inirekord at isinalin sa Ingles ni Father Clemens Wein, SVD ang nakalimbag. Sa salin, agad makikita ang paggugumiit ng “bias” ni Wein bilang Kristiyano. Halimbawa nito ang mga sumusunod na tumbasan: lawai = langit, telaki = anghel, Tulus = Lord, at Fulu-fulu = Lordess. Sa mga saling ito, nawawala sa orihinal na konteksto ang mga salita at mas tumatampok ang diwa ng Kristiyanismo. Isa ito sa mga suliraning hinihimay sa sanaysay. Nakatuon ang papel na ito sa pagtalakay sa pagsasanib ng aral at aliw sa epikong Berinarew ng tribong Teduray. Sa aral, hinihimay ng akda kung paano inilalarawan sa epiko ang mga pagpapahalagang (values) sentral sa pag-iral at pakikipagkapwa ng Teduray. Tampok sa mga ito ang terasai (pagsasakripisyo), sefebenal (pagtatanggol ng karapatan), at serefat (pakikipagkasundo). Ang tatlong ito ay mga hamong kailangang harapin ng mga Teduray upang matagumpay silang makapaglakbay mula megubar fantad (lupang marupok) tungo sa bolowon o kerekamen fantad (lupang walang pangamba). Sa bahagi ng aliw, tinatalakay ng papel ang mga katangian ng epiko bilang akdang pampanitikan. Nakatuon ang bahaging ito sa pagbusisi sa anyo at mga kasangkapang pampanitikan na ginamit upang maging kawili-wili ang epiko.

_____

Berinarew is just one of the three epics of the Teduray tribe and only the version recorded and translated by Father Clemens Wein has been published. In his translation, Wein’s bias as a Christian shows as can be glimpsed in the following equivalences that he made: lawai = heaven, telaki = angel, Tulus = Lord, and fulu-fulu = Lordess. Here the Teduray words lose their original contexts while the Christian concepts become more prominent. This is one of the problems that the essay dissects. The paper primarily discusses the fusion of moral and delight in Berinarew. The moral part tackles how the epic expounds the values central to the existence of a Teduray as individual and member of the community. Foremost of these are the following: terasai (sacrifice), sefebenal (defending human rights), and serefat (reconciliation). These three serve as the challenges the Teduray tribe must face in order to have a successful journey from megubar fantad (fragile land) to kerekamen fantad (land where worries and sorrow don’t exist). The delight part discusses the characteristics of the epic as a literary piece. It delves on the form and literary devices used to make the narrative delightful.