Discipline: Social Science
Unang natukoy ni Juan de Plasencia (1589) ang ugnayan sa pagitan ng bangka at lipunan dito sa Filipinas. Sa mga lipunang mandaragat ng Timog-Silangang Asya at Pasipiko, hayag ang ganitong ugnayan. Nananatili rin itong mahalagang bahagi ng kanilang kasaysayan at napayagang yumabong sa lipunan. Ang kolonisasyong Espanyol sa Filipinas ay tila tahasang pumutol sa pagsulong ng katutubong lipunang Filipino sa larangang maritimo. Nagbunga ito sa unti-unting pagkawala ng mga kaukulang tradisyon at ng mga kaakibat nitong kulturang materyal. Nanganganib na ring mabaon sa limot ang kakaunting nalalabing alaala ng bayan ukol sa mga sinaunang tradisyon ng pandaragat at kultura ng bangka sa unti-unting marhinalisasyon ng mga taong nagtataglay ng mga nasabing alaala. Layunin ng papel na ito na tuklasin ang isang mahalagang aspekto ng ating kasaysayang maritimo—ang paggamit ng simbolismo ng bangka sa sinaunang lipunang baranganiko. Dalawang katanungan ang gagabay sa pag-aaral na ito: 1) Paano ang bangkang barangay ang nagging simbolikong bangka ng sinaunang lipunang Filipino? 2) Paano ang naging pagganap ng lipunan sang-ayon sa modelong bangka? Mula sa pagsusuri, lumilitaw na mahalaga ang paggamit ng simbolismong bangka sa sinaunang lipunang Filipino dahil ang bangka ang nagsilbing mikrokosmo ng lipunan kung saan gumanap ito na lugar upang epektibong masubok ang mga kasunduang panlipunan at mga itinatag na institusyong pambayan.
_____
Juan de Plasencia (1589) was the first to note the relationship between boat and society in the early Philippine communities. Among maritime societies in Southeast Asia and the Pacific, the use of boat symbolisms in the ordering of early societies was more pronounced and was reflected in the histories and was allowed to fully develop. Spanish colonization of the Philippines abruptly aborted further development of the early Philippine maritime culture along baranganic line. As a consequence, early Filipino maritime traditions and the corresponding material cultures gradually vanished (and continue to vanish). Relics and memories of these ancient past confront the threat of being forgotten as a result of the marginalisation of people who continue to possess them. The objective of this paper is to rediscover some of the important aspects of our maritime history. For this particular study, it would be the use of boat symbolism in the ordering of the early or Pre-Hispanic Filipino society. The study is guided by two questions: 1) How did the barangay came to be regarded as the symbolic boat for early Filipino society? And, 2 ) How did the baranganic society acted out the role within the boat-society? Analysis shows that boats served as the microcosm of early Filipino society providing the venue for validation and legitimation of social relationships and institutions.