Discipline: Literature, Sociology
Isang posibilidad ng bagong daigdig ang ihinahapag sa atin ng buhay at panulat ni Carlos Bulosan. Pinatunayan niya na may buhay sa labas ng kinasanayan nating mundo. Sa mundong iyon, walang pagsasamantala ng tao sa tao at ang fokus ng mga pagsisikap ay ang pagyabong ng bawat indibidwal tungo sa pagyabong ng lahat. Salungat ang bagong daigdig na iyon sa kasalukuyang lipunan natin na ang pangunahing konsern ay pagkamal ng tubo, na ang buhay ay ginagabayan ng batas na matira ang matibay. Sa daigdig na iyon, walang estadong tatagpas sa mga kamay ng lumilikha ng yaman; walang estadong bubusal sa mga bibig ng umaawit ng kalayaan. Mahigit limampung taon nang namayapa si Carlos Bulosan at umaalingawngaw pa rin ang kaniyang tinig. Ang bisyon niya ng daigdig at panitikan ay palatandaang hindi natin maaaring isantabi sa pagnanais makaahon sa samu't saring trahedyang kinalulugmukan ng ating bansa. Sa pagnanais nating makamit ang tunay na kasaganaan at kapayapaan.Tinatalakay ng sanaysay kung bakit kailangang pakinggan natin si Carlos Bulosan; kung bakit, ngayon higit kailanman, kailangan nating bumaling sa kaniya.
The life and writings of Carlos Bulosan offer us the possiblity of a new world. He proves that there is life outside the world to which we are accustomed. In that world, there’s no exploitation of human by human and the focus of all endeavors is the full flowering of every individual towards the development of all. That world is different from our present society that concerns itself primarily in amassing profit, where the dictum survival of the fittest governs. In that world, no state shall hack the hands that create wealth; no state shall gag those who sing freedom. It has been over fifty years since Carlos Bulosan died and his voice still echoes. His vision of literature and the world is a sign that we can’t set aside in our quest to overcome the tragedies that beset our country, in our quest to attain genuine development and peace. The essay discusses why we do need to listen to Bulosan; why, now more than ever, we do need to turn to him.