Discipline: Languages, Filipinology, Wika, Wikang Filipino, Philippine Language
Ang epektibong pagpapahayag ng kaisipan, saloobin, naisin, at damdamin ay isang mahalagang proseso sa pakikipagtalastasan. Ang pangunahing kasangkapan upang maisakatuparan ang matagumpay na pakikipagtalastasan ay paggamit ng wika. Dito nakasalalay ang tagumpay ng anumang propesyon sa pakikipag-ugnayan sa kapuwa. Nilalayon ng artikulong ito na: 1. maipaliwanag ang apat na makrong-kasanayan: ang pakikinig, pagsasalita, pagbasa, at pagsulat, 2. malinang ang kakayahang pangkomunikatibo sa pagtuturo ng wika, at 3. mailahad kung paano magagamit ang apat na makrong-kasanayan sa kolaboratibong pagtuturo ng Filipinolohiya.
The effective expression of one’s thoughts, opinions, desires, and emotions is an important process of communication. Language is, first and foremost, an essential tool that makes communication successful. This article aims to further expound on the four macro skills of listening, speaking, reading, and writing. It also aims to further develop communicative skills in teaching language and to discuss further how to use these four macro-skills in the collaborative teaching of Filipinology.