HomeMALAYvol. 24 no. 1 (2011)

Mga Padalang Salapi Bilang Salik sa Pagsulong ng Pagnenegosyo ng mga Sambahayang Filipino = Remittances as Avenue for Encouraging Entrepreneurship among Filipino Households

John Paolo R. Rivera | Paolo O. Reyes

Discipline: Economics

 

Abstract:

Ang pandarayuhang panlabas ng mga manggagawang Filipino ay nakaaapekto sa kabuhayan ng mga sambahayan dahil sa dami ng mga padalang salapi mula sa mga manggagawang Filipino sa ibayong dagat. Pinalago nito ang ekonomiya ng Filipinas at pinaunlad ang kabuhayan ng mga miyembro ng pamahayanan sa pamamagitan ng pagtaas ng kanilang kakayahang matustusan ang kanilang iba’t ibang pang-araw-araw na pangangailangan. Ang isyu na tinatalakay ng pag-aaral na ito ay kung paano ginagastos ng mga pamahayanan ang mga padalang salapi partikular na sa pagnenegosyo. Ang paglago ng taong-kapital at ideyang pagnenegosyo habang nagtratrabaho sa ibayong dagat ay maaaring magamit para sa pagbuo ng mga negosyo tulad ng maliliit na tindahan at iba pa. Ang pagnenegosyo ay nakatutulong sa paglaki ng kita ng sambahayan. Ito ay nagsisilbing insentibo para sa pamahayanan upang magkaroon ng negosyo. Sa paggamit ng Qualitative Response Model (QRM), ang pag-aaral na ito ay sinusukat ang epekto ng pagdami ng padalang salapi sa desisyon ng isang sambahayan na magnegosyo. Binalangkas ng resulta ang proseso nang pagdedesisyon ng sambahayan tungo sa produktibong paggamit ng mga padalang salapi. Sa halip na gamitin ang mga padalang salapi sa pagkonsumo lamang, maaari itong gamitin sa pangangapital. Bilang karagdagan, ang mga sambahayan ay magkakaroon ng ideya ukol sa iba’t ibang paraan kung paano magpalago ng salapi. Sa kabilang dako, magkakaroon din ng ideya ang pamahalaan kung paano mabibigyang suporta ang mga sambahayan sa tamang paggamit ng kanilang salapi.

Temporary labour migration has become a fixture in the Philippines affecting the economic make-up of Filipino households through the significant amount of remittances being sent on a regular basis. This stimulated the economy and improved the well-being of household members through enhanced expenditures in various family sustenance activities. This study highlights how the Overseas Filipino Worker (OFW)-dependent households use the remittances they received in terms of business creation. Human capital and entrepreneurial ideas are accumulated when working overseas, which can be used for business creation such as micro-stores or a more complex business model. Engaging in business further augments household income of OFW households and for most, serve as the incentive for going into business further. By using a qualitative response model approach, this study estimated the effects of remittances on the decision of OFW-dependent households to engage in entrepreneurial activities; and analyzed their behaviour toward business creation. Results provided a framework on their decision-making process regarding the productive use of their remittances. Instead of just spending the money entirely on consumption goods, they could actually use the money to invest in more sustainable income generating activities. Moreover, they will have a better idea on how to go about the creation of income generating opportunities. On the other hand, the government would also have a better idea on how to provide support by helping them manage and grow their earned money.