HomeMALAYvol. 25 no. 1 (2012)

Pakikibak(l)a: Pagsasakasaysayan ng Communist Party of the Philippines at ng Pakikibakang Pangkasarian = Pakikibak(l)a: The History of the Communist Party of the Philippines and its Sexual Struggle

Rowell D. Madula

Discipline: Social Science, Ideology

 

Abstract:

Sa mahabang panahon ng pananakop ng mga dayuhang kolonyalista, maraming kuwento ng pakikibaka sa ating kasaysayan. Mula sa mga katutubong tumanggi at lumaban sa pagpapabinyag bilang mga Kristiyano, sa mga Pilipinong naghimagsik laban sa mga dayuhang mananakop, hanggang sa patuloy na parliyamentaryong pakikibaka ng mga aktibista sa kalunsuran at armadong pakikibaka ng mga hukbo sa kanayunan laban sa kasalukuyang pagsasanib puwersa ng mga dayuhan at lokal na mananakop at mananamantala. Sa papel na ito, tataluntunin ang pagsasakasaysayan ng isa sa, kung hindi man siya lamang, mga pangunahing naglulunsad ng pakikibaka para sa isang rebolusyonaryong pagbabago sa ating lipunan, ang Communist Party of the Philippines (CPP). Tatalakayin ito mula sa lumang Partido Komunista ng Pilipinas (PKP) hanggang sa Una at Ikalawang Dakilang Pagwawasto, at ang pagkilala nito sa sektor ng kababaihan at mga kasamang may piniling kasarian.

For many years that the Philippines has been colonized, there have been many stories of struggles: From ethnic groups who struggled and fought against Christianity brought by the Spaniards, Filipinos who revolted against these foreign colonizers, and the continuing parliamentary and armed struggle against foreign and local domination over the majority of the Filipino people. This paper attempts to look at the history of the Communist Party of the Philippines (CPP) from its roots at the old Partido Komunista ng Pilipinas (PKP) up until its historical landmarks in recognizing the role of the women and gays in the revolution.