HomeMALAYvol. 25 no. 1 (2012)

Mga Alternatibo sa Labas ng mga Pandaigdigang Tugon sa Pagpigil sa Pagbabago ng Klima = Beyond the International Responses to the Mitigation of Climate Change

Tereso S. Tullao Jr.

Discipline: Economics, Social Science

 

Abstract:

Ang kasalukuyang pagtatalo tungkol sa pagbabago ng klima ay nakatuon sa iba’t ibang pamamaraan sa pagtugon sa mga pangkalahatang pandaigdigang epekto nito. Ngunit ang mga problemang nagmumula sa pagiging likas na pampublikong produkto sa pagpigil sa pagbabago ng klima, kasama na rin ang mga isyung bumabalot sa pandaigdigang ekonomiyang politikal sa pagpapabago ng klima, ay nagiging sagabal upang makabuo ng pinag-isang pangdaigdigang tugon. Sa likod ng mga problemang nabanggit, ang sanaysay ay tumatahak sa mga posibilidad ng mga di-pandaigdigang hakbang na maaaring tahakin upang makawala sa mabagal na takbo ng mga pandaigdigang tugon. Kasama rin dito ang angkop na tugon na dapat isulong ng isang papaunlad na bansa tulad ng Pilipinas.

The current debate on climate change is focused on the various alternative global responses. But the problems arising from the inherent public good features of mitigating climate change as well as the issues behind the political economy of climate change are major obstacles in pursuing a global consensus. In the light of these problems the essay explores the possibilities of non-global responses that may be pursued to escape the inertia in the global initiatives. Included are the appropriate responses that may be pursued by a developing country like the Philippines.