Discipline: Social Science, Technology
Nang nagsimula ang motorisasyon ng transportasyong panlungsod sa Manila sa maagang bahagi ng ikadalawampung siglo (1900–1941), maraming pagbabago ang idinulot nito. Ang de-kuryenteng trambiya at ang kotse ay hindi lang nagpabilis sa paggalaw sa loob ng lungsod, naging instrumento pa ito sa pagpapakalat ng mga Amerikanong mananakop sa diskurso ng modernidad. Bagama’t nagamit ang diskursong ito para sa pagpapanatili ng kolonyalismo, dapat isaisip na hindi lang ang mga mananakop ang nakinabang dito. Aktibo ring iniangkop ng mga manggagawang pantransportasyon—mga empleyado ng trambiya at mga tsuper ng kotse—ang konsepto ng modernidad upang makita at maipakita nila ang kanilang sarili bilang isang grupo ng mga modernong manggagawa. Sa perspektibang sosyo-ekonomiko, naging bahagi sila ng isang lumalaking panggitnang-uri na may nakasasapat na antas ng kita. Sa perspektibang politikal, nakaugat sila sa pag-usbong ng isang modernong estruktura ng paggawa, na naging daan din upang gumamit sila ng mga modernong taktika ng pakikipagtuos, tulad ng pag-uunyon at pagwewelga, sa mga naghaharing-uri.
When the motorization of Manila’s urban transportation system began in the early twentieth century (1900–1941), it caused a lot of changes in the city. The electric streetcar and the automobile not only increased intraurban mobility but also became instruments in spreading the American colonizers’ discourse of modernity. Although this discourse was used to maintain colonial rule, it should also be kept in mind that the colonizers were not the only ones who benefited from it. The workers of the urban transport system—streetcar employees and automobile chauffeurs—also employed the concept of modernity to see and present themselves as modern workers. In socioeconomic terms, they became part of a growing middle class enjoying a comfortable income level. In political terms, they were rooted in a modern labor structure that had just recently emerged in the city; thus, paving the way for them to use modern tactics, such as unionization and strikes, to fight against the ruling elite.