HomeMALAYvol. 26 no. 1 (2013)

Isang Semyolohikal na Pagsusuri sa mga Kontradiksiyong Nakapaloob sa Panlipunang Kritisismo ni Gloc-9

Feorillo Petronilo Demeterio Iii

Discipline: Linguistics, Semiology

 

Abstract:

Gamit ang semyolohiya ni Roland Barthes, sinuri ng papel na ito ang labintatlong kanta ni Aristotle Pollisco, o Gloc-9, na may kinalaman sa politika at lipunan at mula sa kanyang tatlong pinakabagong album. Ipinakita ng pagsusuri na ilan sa mga imaheng ginamit ni Pollisco sa kanyang sariling panlipunan at politikal na kritisismo ay may mga nakakubling kontradiksiyon bunsod ng kanyang kakulangan sa kahandaan sa ideolohikal na usapin. Ang mga imaheng napili mula sa labintatlong kanta ay pinagbuklod sa ilalim ng limang tema: korapsiyon at politika, pagkamakabayan, kahirapan at buhay-manggagawa, krimen at kaguluhan, at homopobya.