Discipline: Social Science
Sa pamamagitan ng pangangalap ng kuwentong buhay ng isang baklang aktibistang nagpasiyang maging miyembro ng mga lihim na kilusang Communist Party of the Philippines (CPP), National Democratic Front of the Philippines (NDFP) at New People’s Army (NPA), tinalunton ng pag-aaral na ito ang pagsasakasaysayan ng kakaibang uri ng pagrampa. Sinubukan ng pag-aaral na ito na tingnan ang rampa upang isalarawan ang paglalakbay na pinagdaanan ng isang bakla na kakaiba sa konsepto ng pagrampang karaniwang inuugnay sa mga bakla. Makikita sa papel ang mga hamon at oportunidad na kinakaharap ng isang bakla sa pagsusulong ng tunay na paglaya mula sa mga politikal at ekonomikong kasabay ng mga pangkasariang tunggalian.
______________________________
A new denotation of the word ‘rampa’ (rampage) has been identified through the life story of a homosexual male who joined the Communist Party of the Philippines (CPP), National Democratic Front of the Philippines (NDFP) and New People’s Army (NPA). This study has attempted to use ‘rampa’ in describing a gay man’s journey- from liberating one’s self from machismo to struggling to liberate a society from the chains of the dominant political and economic system.