Discipline: Social Science
Sa papel na ito, sinikap na ilapat sa kontekstong Pilipino ang kaisipan ni Axel Honneth tungkol sa “pagkilala tungo sa pagpupumiglas” sa pagbabakasaling makasumpong ng ruta patungo sa pagkaunawa ng kasalukuyang lipunan. Ilang malikhaing pagdalumat ng temang pagpupumiglas (struggle) sa mga awitin ng Yano, isang bandang rakista noong dekada ’90, ang matutunghayan sa huling bahagi ng papel. Nanggagaling ang nasabing pagdalumat at pagninilay-nilay sa dalawang pangunahing tesis ng papel na ito: 1) Ang kasalukuyang industriya ng musika sa ating bansa ay lagnat upang makilatis ang tunay na sakit ng lipunan na pinamamayanihan ng industriya ng kultura, at 2) Ang posibilidad ng paglaya sa tanikala ng industriya ng kultura ay abot-kamay pa rin kahit patuloy na lumalakas ang puwersa ng dominasyon.
This paper tries to bring Axel Honneth’s concept of “struggle for recognition” into Philippine context with the hope of finding a possible route on the way to understanding our present context. The last part of the paper creatively analyzed some thought-provoking songs of Yano, a 90’s Pilipino rockband, centered on the concept of struggle. This analysis is rooted on the two primary theses of this paper: 1) The present music industry in our country is a symptom that will lead us to analyze the real sociological blight brought about by culture industry, and 2) The condition of the possibility of emancipation from the grip of culture industry is still at hand in the midst of these powerful forces of domination.