Discipline: Language Arts and Disciplines
Pakay ng papel na ito na talakayin ang pamamahalang pangwika ng dalawang arkipelagong bansa sa Timog-silangang Asya, ang Pilipinas at Indonesia. Nais na (1) matukoy ang umiral na wika sa kanilang bansa noong panahon ng kolonyalismo; (2) mailarawan ang kanilang karanasan sa pagbuo ng pambansang identidad-ngalan gayundin ng kanilang wikang pambansa; at panghuli, (3) mailahad ang kasalukuyang kalagayan ng pambansang wika sa kanilang lipunan. Sa kabuuang pagdalumat ng pamamahalang pangwika ng Pilipinas at Indonesia, hangad na makapag-ambag ng kaisipang may pakinabang para sa panlipunang pagbabago.
The paper will discuss the language management of two archipelagic countries in Southeast Asia, the Philippines and Indonesia. It aims (1) to identify the language being used in these countries during the colonial period; (2) to describe their experiences in shaping the national identity including the national language; and lastly, (3) to present the current status of their national language in their own society. The general intention of sharing this paper is to contribute some thoughts on language management that supports social change.