HomeMALAYvol. 27 no. 1 (2014)

Manipulasyon o Pakikipagkapwa: Ang Ugnayang Tao-Anito sa Sinaunang Pananampalatayang Pilipino / Manipulation or Pakikipagkapwa: Person-Anito Relationship in the Ancient Philippine Religion

Jose Rhommel B. Hernandez

Discipline: Social Science, History

 

Abstract:

Ang pag-aaral na ito’y isang pagsusuri sa kaisipang bumabalot sa sinaunang pananampalatayang Pilipino. Partikular na pinagtuunan ng pansin ang dinamikong bumabalot sa ugnayang tao-Anito. Sa pag-unawa nito’y nagsimula ang pag-aaral ng mga dominanteng opinyong pangkasaysayan at sikolohikal tungkol sa pananampalatayang Pilipino. Natagpuan sa pag-aaral na ito ang isang hamong pumasok sa pag-unawa sa kahulugan ng Anito sa loob ng kalinangang Austronesyano. Sa tulong ng ilang datos etnograpiko mula sa kasaysayan, nakitang madalas na ipaliwanag ang ugnayang tao-Anito bilang manipulasyon. Gayunman, ang isang malapitang pag-unawa nito’y makikitang pakikipagkapwa ang nagaganap na proseso sa ugnayang ito.

 

This is a study of the mentality surrounding the ancient Philippine religion. In particular, it tackles the dynamics of the relationship between the person and the Anito. The study begins with the evaluation of the dominant historical and psychological opinions about the Filipino religiosity. A challenge was posed by these studies to understand the meaning of the Anito within the Austronesian culture. Through some ethnographic data from history, the relationship between the person and the anito is almost always described as manipulation. However, a closer look would reveal that “pakikipagkapwa” is primarily the value involved in this process.