HomeMALAYvol. 20 no. 2 (2008)

Ang Kurikulum na Filipino: Saan Patutungo sa Hamon ng Globalisasyon?

Rizalyn J. Mendoza

Discipline: Social Science

 

Abstract:

Nirebisa ng sistema ng edukasyon sa Filipinas ang (tersyaryang) kurikulum sa (wikang) Filipino upang ang pagkatuto ng estudyante ay lalo't higit pang makatugon sa mga pangangailangan ng isang lokal/global na mamamayan. Sinusuri ng papel na ito kung hanggang saan ang kurikulum sa Filipino ay nagagawang makatugon sa mga pangangailangan ng bawat estudyante kaugnay ng pagkatuto at paggamit sa Filipino bilang isang pambansang wikang nagpapasigla sa literasi, pag-unlad, at pambansang pagkakaisa't identidad. Ang rebisyon sa kurikulum ay isang positibong hakbang upang ang ating pambansang wikang Filipino ay makasabay sa mga nasyonal/global na isyu, konsern, at hamon.

_____

Philippine Education undertook a revision of the (tertiary) Filipino (language) curriculum to maximize student learning and meet the more complex demands of local/global citizens. This paper examines the extent to which the Filipino curriculum is able to answer the needs of each student in learning and using Filipino as a national language to promote literacy, development and progress, and national unity and identity. Curricular revision takes a positive direction as our national language Filipino keeps apace with national/global issues and concerns and challenges.