HomeSaliksik E-Journaltomo 4 bilang 2 (2015)

Pagsisimula ng Kilusang Feminista sa Pilipinas at Indonesia: Panimulang Paghahambing

Mary Dorothy dL Jose

 

Abstrak:

Ang papel na ito ay panimulang paghahambing sa pagsisimula ng kilusang feminista sa Pilipinas at Indonesia.  Sa kadahilanang may kasalatan sa mga pag-aaral tungkol sa papel ng kababaihan sa kasaysayan at kadalasang natatalakay lamang sila kung ang nilahukan nilang laranga’y panlalaki, minarapat na pagtuunan ng pansin sa papel na ito ang papel ng kababaihan sa pagpapasimula ng kilusang feminista sa Pilipinas noong 1905 at Indonesia noong 1912.  Binalangkas ang paksa hindi lamang sa diwa ng Araling Kababaihan kundi sa diwa rin ng Araling Kabanwahan sa pamamagitan ng komparatibong pag-aaral sa mga pagkakatulad at pagkakaiba sa naging karanasan ng Pilipinas at Indonesia sa usapin ng pagsisimula ng kilusang feminista sa dalawang bansa.