Tatlo ang pangunahing katanungang nais sagutin ng papel na ito: (1) Ano ang papel ng pagsasalingwika sa palapit nang palapit na integrasyong ASEAN?, (2) Ano-anong isyu at suliranin ang maaaring kaharapin ng larangan ng pagsasaling-wika sa patuloy na pag-imbulog ng pagsasalin sa panahon ng ASEAN Integration? at, (3) Ano-ano ang maaaring gawing proyektong kaugnay ng pagsasalin bilang paghahanda upang ma-maximize ang mga hatid na oportunidad ng naturang integrasyon? Tatalakayin din sa papel na ito ang mga kasalukuyang gawaing pagsasalin partikular sa larangan ng Machine Translation bilang bahagi ng paghahanda para sa ASEAN Integration at ang mga kaugnay na pangangailangan upang lalong matiyak at malinaw ang direksiyon ng mga gawaing pagsasalin.
The three primary questions this paper aims to address are: 1) What is the role of translation in the upcoming Asean integration?; 2) What are the possible issues and problems that the field of translation studies can encounter in relation to the current Asean integration efforts?; and lastly, 3) What are the activities that would help translation efforts maximize the opportunities paved by the current Asean integration process? This paper also attempts to discuss the ongoing translation efforts most especially in the field of mechanical (machine) translation as part of the ongoing efforts for the Asean integration and its related needs to fully assure and clarify the direction it is going to take.